HEOGRAPIYA
(MAPA)
Ang Bundok
Banahaw ay matatagpuan sa lalawigan ng Quezon ng rehiyon IV-A o “CALABARZON” ng
malaking isla ng Luzon ng Pilipinas. Sa aming nilakbayan, ang aming narating at
pinuntahan ay ang “Complex 1” ng bundok Banahaw. Dito natanaw namin ang mga
lugar tulad ng pamayanang Syudad Mystica, yungib ng Husgado, Kalbaryo, at ilog
ng Lagnas. Ang mga ito ay bahagi ng lugar na malapit sa paa ng mga karatig
bundok. Iyon ay ang bundok ni San Cristobal at mismong bundok Banahaw. Ito rin
ay napapaloob sa malawak na kagubatan na tinuturing ang lugar na “rainforest”
Mapa ng pamumuwesto sa mga tanawin
sa Bundok Banahaw (Complex 1) (Kaliwa)
PANGKABUHAYAN
(PANG-EKONOMIYA)

Ang pangkabuhayan ng mga tao sa bundok Banahaw ay nasa uring rural. Ito ay dahil ang kanilang lugar napwesto sa malayo sa lungsod ng lalawigan. Ito rin ay dahil ang kanilang sitwasyon ay nasa larangan ng pang-agrikultura. Pangagngalaga ng mga hayop tulad ng mga baka, mga kambing at mga manok ay kasama rin sa kaniang panghanap-buhay sa kanilang pamayanan.

Hindi sa
lahat ng bagay ng paghahanap-buhay ay nakatuon sa agrikultura. Ang mga tao sa
pamayanan ng “ili” o bundok ng Banahaw ay may mga maliliit na negosyo tulad ng
mga sari-sari stores at pati na yung mga tindahang pampasalubong o “souvenirs”.
Sa kanilang mga pasalubong, naging particular sa mga produkto na galling sa
kalikasan tulad ng kahoy at mineral mula sa kabundukan. Ang mga ito ay naging
mga kasangkapan upang makagawa ng mga magagandang bagay Ang mga
“anting-anting” ay sikat na produkto na nagtatak sa mercado ng taga-Banahaw para sa ekonomiya sa lalawigan ng Quezon partikular sa sangay ng maykroekonomiks.
Kasaysayan ng Bundok Banahaw
Ang kasaysayan ng Mt.
Banahaw sa ating bansa ay konektado sa mga pangyayari noon bago at dumating ang
mga Kastila. Io ay dahil noong panahon ng bago ang pananakop ng mga Kastila,
mayroong pananampalataya ang ating mga ninuno at ito’y nangagaaling sa mga
elemento ng kalikasan. Pinaniniwala ng mga katutubo noonna mga babaylan na
sumasamba sila sa mga diyos o mga anito kung tawagin mula sa kapaligiran tulad
ng bundok na ito. Lumipas ng mga panahon
at na nanakop ang Pilipinas sa kamay ng mga Kastila ay nagbunga sa pagpunta ng
mga ninuno sa mga kabundukan. Naging tirahan at taguan ang mga bundok mas lalo
na sa bundok Banahaw ang mga rebelyon at mga samahan panghimagsikan na kung
tawagin “Katipunan”. Natagal sila hanggang sila’y handa sa paglusob at lumaban
sa mga Kastila.
Dahil
nagpapalaganap ng relihiyon ang gma Kastila sa panahon naiyon, kinakailangan
nilang pumunta sa mga lalawigan upang maihatid ang kanilang relihiyon sa
kanilang lugar. Ang mga taong na nakatira sa bundok ay tinawag na ilihan kung
kaya naging impluwensya sa paglalarawan ng kanilang lugar na malapit sa bundok
na tinuring na mahalaga at banal. Ang relihiyong Kristiyanismo at ang
animistikong paniniwala ng mga babaylan ay nagbunga ng bagong pananmapalataya
sa pamayanan maapit sa bundok na iyon. Hindi nagkakalayo ang mga konsepto ng
pagsamba at pagdasal ng mga taong naniniwala sa ganung relihiyon.
Ang paghubog ng
mga pangyayari noon mula sa himagsikan laban sa mga Kastila hanggang sa
paggamit ng mga simbolismo na kakaibang basehan. Ito ay dahil noong pamahahala
ng mga Kastila sa Pilipinas ay naganap ang kaliwangan ng mga masamang ginawa ng
pamahalaan at simbahan sa taong bayan. Ang taong na iyon na nagpamulat ng mga
Pilipino ay ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal. Dahil sa
naning impluwensya ng mga nobela ginawa na nagpamulat ng himagsikan siya ay
tinuring na propeta ng mga taong naniniwala kung kaya sang mga taong naninwala
sa ganoong batayan ay mga Rizalista.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento